Hush-hush!

Thursday, January 11, 2007

munimuni#1

Minsan, gusto kong maupo sa tabi at manahimik
hindi para magisip ng kung ano kundi, wala lang...
Tipong utak pandesal, walang laman at puro hangin lang...
Pero kahit anong gawin ko,
kahit saang sulok ako tumingin,
may maiisip at maiisip ako.
Parang isang salita na nakasulat sa papel
na kapag tinignan mo ung salitang un,
hindi pwedeng hindi mo mabasa kung anong nakasulat
pwera nalang kung hindi ka marunong magbasa
o kung hindi mo maintindihan ang nakasulat na salita.
Hindi mo man mabasa, mapagiisip ka pa din kung anong ibig sabihin nun.


Utak pandesal lang naman talaga...
puro hangin lang...
Minsan ayokong makaramdam
ayokong magsalita...
parang patay...
pero hindi naman tama un.
Kapag nangyayari un,
yuyuko nalang ako para hindi ko makita,
ilalagay ko nalang ang dalawang kamay ko
sa bulsa ko at ititiklop ang mga daliri
para walang magawa,
ipipikit ko ang mga mata ko at hihinga ng malalim
para hindi makaramdam...
at ano pagkatapos nun? bagong tao nanaman ako.


Ilang maskara na nga ba?
ilang tapal na ba sa mukha?
siguro, makapal na ang mukha ko...
pero kahit anong tapal ng maskara,
matakpan man nito ang mukha at emosyon mo
hindi pa rin nito matatakpan ang mga mata mo...
kahit pigilan mo..
dumidilat, pumipikit at lumuluha pa din...
buti nalang, naimbento ang shades...
ngayon, pwede mo nang takpan ang mga mata mo...
pero gawin mo man un, kakailanganin mo pa din yumuko
kapag may taong pilit kang tinitignan sa mga mata...
baka mabisto ka... hindi ka naman talaga bulag, diba?
Ewan ko ah... Pero ang mga bulag tinatakpan ang mga mata
gamit ang SHADES kahit hindi sila nakakakita...
at hindi lang un... namimili din sila ng design na bagay sa kanila
pano kaya yon?


Ayokong maging mahina...
Ayoko nang maging mahina.
magkaiba pala un...
Pero... nakakapagod din palang maging
laging malakas... lalo na kung may masmalakas pa sa'yo.
Natatalo ka, at nararamdaman mo ang kahinaan mo
at minsan dahil dun nakikipagpalakasan ka pa lalo
at kapag di mo na kaya? gugustuhin mo nang mamatay..
ayaw mo na suko ka na.


Ang takot, hindi na yata maiaalis sa'yo un...
kung takot ka, takot ka talaga at kahit minsan
hindi mo susubukan ilapit ang sarili mo sa
mga kinakatakutan mo...
ano man un, trauma o phobia? o simpleng takot lang talaga.
iisa lang un, takot ka talaga...
Doktor lang siguro ang nakakapagsabi na
pwede mo pang malabanan ang takot mo...
Pero ako... ayoko nga! eh sa takot nga ako eh...
Di mo ako mapipilit...


Wala nanaman akong magawa...
hindi kasi ako makatulog
parang kahit gusto ko nang matulog
patuloy pa din sa pagiisip ang utak ko
pero hindi ko naman malaman ang iniisip ko.
Siguro, masyado ko lang pinaplano ang bukas...
ang mga dapat gawin at ang mga dapat na iisipin ko.
Pero kahit planado, madalas, purnada ang plano.
Ganyan lang siguro ang buhay...
kailangan lumaban kaya dapat maging malakas
kahit nanghihina ka, kailangan mong piliting tumayo
kung hindi... matatalo ka at baka iyon na ang katapusan mo.


May mga bagay na hindi mo namamalayan
andyan na pala sa tabi mo...
Pero kahit ganun... yumuko ka nalang...
ibulsa ang mga kamay, tiklupin ang mga daliri sa loob nun,
pumikit at huminga ng malalim
at pagkatapos nun?
Bagong tao ka nanaman...

Monday, December 04, 2006

sigh... soon the snow will be falling...

Tuesday, November 28, 2006

Panapanahon...


Ilang araw nalang... lima nalang kaming matitira sa bahay namin. Buti nalang may dalawa pa akong batang kapatid at masaya pa din kahit papaano.



Dati, nung tatlo palang kaming magkakapatid at ako ang bunso, wala na daw balak ang magulang namin na magdagdag pa ng anak. Tama na daw ang tatlong anak... Ok na sa akin noon na maging bunso dahil laging pinagbibigyan pero (diba saya nun?)... pero, sa hindi inaasahang pagkakataon... nasundan pa ako.. hindi lang isa kundi dalawang lalake pa. Pero okey lang atleast, may dalawa na nakakabata kesa sa akin at pwede kong utuin at utusan... Masamang ate to... joke lang! hehehe!



syempre un ung sinasabi ng kalahating bahagi lang ng isip ko na hindi ko naman ginawa kahit kailan... Hindi ko kaya na maging tulad ng ate ko at kuya ko noon dahil alam ko ang pakiramdam ng maging pinakabata... inuuto at utusan lang. Hindi ko ginawa sa kanila un... tawag ko nga sa kanila "baby big brothers" ko... mga kapatid na inalagaan ko dahil ako ang ate nila... AT... sa kanila lang ako mabait... hehehe!

Kasal na ang ate ko at may dalawa nang anak... mga makukulit na pamangkin na lalong nagpapadagdag ng taba ko sa katawan dahil sa kunsomisyon (tama ba?).. baliktad eh no? lalong tumataba imbes na pumayat. At ngayon naman... ikakasal na din ang kuya ko dahil magkakaron nanaman ako ng pamangkin... pusta ko lang... kahit lalaki ang anak nila, tahimik un.. sobra...

At ayun... ikakasal na nga ang kuya ko. Noong una kong nalaman na nabuntis niya ang girlfriend niya, nagalit ako sa kanya. Halos isang buwan din na hindi ko siya kinausap... siguro mga two and a half o i-round off na natin sa three weeks na hindi ko siya kinausap. Ewan ko, hindi ko din alam kung bakit ako nagalit... o talagang naiinis lang dahil... wala sa tamang panahon ang pagpapamilya niya. Haay! e ano naman sa akin diba? dapat nga, wala na akong pakealam sa kanya dahil masmatanda siya sa akin at dapat alam ko na may sarili na siyang pagiisip at kailangan tanggap ko na yun ang naging desisyon niya... Wala na akong magagawa doon.

Kahit na madalas kami na hindi nagkakaintindihan... pakiramdam ko, close pa din kami... Noon pa man, noong wala pa siyang girlfriend, close talaga kami... ako pa nga nagbibigay sa kanya ng tips noon nung nililigawan niya pa ung girlfriend niya ngayon. Kayalang nung sinagot na siya, bigla siyang nagbago at naging self-centered siya. Hindi na nakikipagbonding at maski makipagusap sa amin hindi niya ginagawa... Kapag linggo, at nandito kami lahat sa bahay, nagkukulong lang siya sa kuwarto at nagte-text o di kaya'y nakadikit ang tenga niya buong maghapon sa telepono... Umikot lang ang mundo niya doon sa girlfriend niya...



Naaalala ko pa noon, pareho kami ng kuya ko ng hilig... Simula sa computer games/video games, drawing/sketching at text (playing card), pwera lang sa babae ah... kahit boyish ako, lalake pa din ang crush ko. Noon pa man masmahilig na ako sa larong lalake dahil mas naging close ako sa kuya ko kesa sa ate ko noon. Hindi kasi uso sa akin ang kikay na hilig naman ng ate ko... Mahilig kami ng kuya ko sa pustahan... ang pinaka-naalala kong pustahan namin ay yung tungkol sa posing ni Bunny (name niya sa tagalog version kapag hindi pa siya Sailor Moon) pagkatapos niyang mag transform sa Sailor Moon... at ding! panalo ako... ang ipinusta ay isang libong kaltok na naging instalment (ten kada araw) na hindi ko na din nagawa.

Ang pinaka-hindi ko kasundong ugali niya ay ang pagka-pikon niya. Mahilig pa naman akong mang-asar at mangulit. Noon pa man ay pikon na siya, pero kahit ganon hindi siya nananakit... well, nasuntok na niya ako noon sa braso... pero mahina lang un... aaminin ko na mejo tibo ako noon kaya siguro naisip niya na parang lalake na din ako (pero hindi ako tibo... heheh! defesive! joke!). Pero never akong pinatulan ng kuya ko, magaling nga yan magtimpi kahit pikon.

Kahit na lagi kaming nagaaway at ngayon na alam kong ilang araw nalang ay mapapalayo na din siya sa amin, sa valenzuela kasi sila titira ng magiging asawa niya, mamimiss ko din ang kuya ko at hindi niya alam yon... hindi ako showy. Malungkot na masaya pa din ako para sa kanya... Malungkot dahil nga mapapalayo siya at mamimiss ko din siya dahil wala na akong maaasar na pikon dito sa bahay at masaya dahil masaya siya...

Bandang huli, naisip ko na wala na din naman magagawa ang inis , galit o tampo (kung ano man yon) na nararamdaman ko sa kanya, anjan na yan eh. Isa nalang ang magagawa ko para sa kanya, ang suportahan siya "koya, soportahan taka!"... hindi financially ah wala akong pera... moral support lang.. hehehe! AT... ang maging masaya para sa kanya... Best Wishes nalang sayo! mabasa mo kaya to? =P