Sinong Armi?............... Eh di ako!
Minsan kapag mahilig ka makinig sa mga heartaches ng ibang tao, nadadala ka din. Isang beses meron isang taong nagsasabi ng mga hinanakit na naramdaman nya noong nagbreak sila nung ex nya. Nung una natatawa lang ako pero habang tumatagal at habang patuloy kong naririnig ang mga kwento nya parang gusto ko takpan ang tenga ko at ayoko na muling marinig. Bakit nga ba? hehehe! bigla kong naitanong sa sarili ko... Bigla kong naramdaman ung nararamdaman nya. Parang multo na dumaan at bigla nalang akong kinilabutan tapos biglang pakiramdam ko pati ako nasasaktan na din at gusto ko nang maiyak na parang nasasapian ako ng hinanakit nya, "Waaaa! nakakaramdam na ako?! Hinde!!"
Mababaw lang ang luha ko noon hindi katulad ngayon, ni hindi ko na yata kayang umiyak. Pinangako ko sa sarili ko noon na hindi na ako ulit iiyak lalo na kung sobrang babaw lang ng iniiyakan ko, ung tipong may namatay lang na sisiw iiyakan ko na. Kaya un simula nun, pinilit kong maging sobrang lakas at kahit mahirap ginawa ko na rin manhid ang sarili ko pero di naman totally, ung tipong nawala lang ang pakeelam sa iba, sarili ko lang ang lagi kong inisip. At ngayon sumobra ata ang pagbago ko sa sarili ko, bigla ko nalang naisip na hindi ko na pala kilala si ako... sino nga ba si ako? eh di si Armi!!!!!! si armi............... si armi???? natatawa nalang ako sa sarili ko tuwing naiisip ko ang bagay na yan. Oo nga nakakatuwa pero nakakalungkot... sa sobrang daming maskara na nailagay ko sa mukha ko, di ko na malaman kung sino ako dun. Nakakabaliw... pati sa sarili ko may krisis... Pilipinong Pilino hindi ba?
Ang hirap hanapin ng sarili... wala kang ibang magagawa kung hindi ayusin ang sarili mo. Tumungo ka nalang at sabihin na wala kang problema... sarili ko lang ang problema ko. Huminga ng malalim at gawing joke ang nararamdaman mo para matawa ka nalang. Siguro kung ano man ako ngayon ay dahil eto ako ngayon at hindi ako ung ako dati. Ganito ako lumaki kaya ganito ako ngayon. Sabagay, habang buhay ako pwede kong baguhin ang sarili ko ng paulit ulit... Ang masama lang talaga ay ung nakakaramdam na ako. Ayoko makaramdam dahil kapag naibalik ko nanaman ang dati kong sarili, magiging mahina nanaman ako at ayaw ko nang maging mahina ulit.. Hanggang kailan kaya ako magiging malakas? di ko din alam....

0 Comments:
Post a Comment
<< Home