Pancit Bihon sa Kuya Caloy's
Last Satuday, pumunta kami sa bahay ng friend ko. Balak sana namin mag get together, mag kamustahan ng personal at pumunta sa bagong mall na SM ung Mall of Asia. Pero sa totoo lang pinilit ko talagang makapunta doon dahil sa katakawan ko. Kahit nakakapagod galing sa trabaho, sige pa din ang pagdadrive papunta dun. Hindi ko naman kinakaila, na mahilig talaga akong kumain. Makikita mo naman at halata talaga sa katawan ko. Pero ang hindi ko talaga matitiis ay ang Pancit Bihon Special sa Kuya Caloy's. Oo, special ang tawag ko dahil sa sarap, kahit ung mismong pancit nalang ang kinakain mo at wala nang sahog masarap pa din. Hindi ko malimutan ang lasa... Parang asa langit ako kapag natitikman ko un. Doon lang talaga ako nakakatikim ng ganoong pancit. Sayang nga lang hindi ko nakuhaan ng picture ung pancit nabanatan kasi kaagad tsaka amoy palang makakalimot ka na agad. Hindi ko tuloy maipapakita ung itsura... pero d bale madali lang naman kumuha ulit ng picture nun eh.. Yun nga lang baka abutin nanaman ng next year bago ako makapunta dun at matikman muli ang Pancit Bihon nila. Sayang nga lang at nawala na sila dito sa ParaƱaque. Kung nagkataon man na nandito pa sila, baka isa na ako sa suki na bumibili ng isang bilao ng pancit... Kayalang sa kasamaang palad nalipat na sila. Asa may Pedro Gil na, ang layo na nila. Di bale habang tumatagal naman namimiss ko ang lasa para hindi ako magsawa kaagad. Sana makapunta ulit ako sa kanila...
Ay! masarap din pala ung Sisig nila... The best talaga... ano ba yan gutom yata ako...
Ay! masarap din pala ung Sisig nila... The best talaga... ano ba yan gutom yata ako...


0 Comments:
Post a Comment
<< Home