Hush-hush!: Toink!

Monday, June 05, 2006

Toink!

"TOINK!" ang sounds effect na asa isip ko ngayon. Yan ang tunog kapag may nahuhulog at kadalasan naririnig sa mga kengkoy na cartoons. Sobrang tahimik ng paligid ko ngayon pero nakakabingi. Kadalasan, natutulala ako at biglang maririnig muli ang "TOINK!".
Madalas, gusto kong maintindihan ang mga tao sa paligid ko. Pero alam ko naman na kahit minsan hindi ko malalaman kung ano man ang nararamdaman o naiisip nila. Kahit kailan wala akong alam sa kung anong iniisip nila. Dati naiisip ko na kung mabibigyan ako ng super powers o kung magiging mutant man ako, gusto ko ung katulad ng powers ni Jean Grey (X-Men). Hanep kasi un eh, powers ng mga tamad at tsismosa... biruin mo iisipin mo lang nandyan na.. pero sa totoo gusto ko lang bumasa ng isip ng mga tao.
Nalulungkot ako... dahil may mga taong hindi ko maintindihan. Lagi ko naiisip kung bakit nila ginagawa ang ganito at kung bakit nila naiisip gawin ang ganyan. Ewan ko ba, sa totoo lang sarili ko din ang nagpapahirap sa akin. Pwede naman kasing huwag nalang pansinin un pero dahil concern ako sa kanila, hindi ko pa din maiwasan magisip kung ano ang nasa isip nila. Kumplikado lang ata talaga ako magisip.
At maya maya... "TOINK!" ang tunog na un... Palagi kong naririnig kapag tahimik na... Siguro dahil pakiramdam ko unti-unti akong bumabagsak kapag tumatahimik ang paligid ko... kaya... "TOINK!" oops! nahulog...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home